Akala ko dati coding na yung pinakamahirap na bagay na matututunan ko. Tapos naging founder ako. Mali pala ako mga bossing.
Ngayon ko lang talaga to na-realize. 8 years na ko sa IT industry as software engineer, tapos 3 years na kong Principal Software Engineer sa Hirebus. Pag tiningnan mo yung credentials ko, okay na yun diba? Stable, marunong at may experience na.
Pero mga 2 years ago, habang nagtatrabaho ako, may isang tanong na di ko na maalis sa utak ko. Syempre programmer ako. Kaya kong mag-build ng software. Kung kaya ko nga gawin sa work, bakit di ko gawin sa sarili ko? Bakit di ako magtayo ng sarili kong company?
Ang simple niya lang pakinggan mga bossing.
Startup attempt #1: Dianoia Tech.
Una kong tinry yung dianoiatech.com. Software development services, consultancy, yung mga usual na alok ng tech company. Very common lang. Wala pa kong puhunan nun, pero sabi ko kaya ko naman siguro to. So nag-try akong mag-hire ng mga tao na i-train ko. Eto pala yung isa sa mga unang malaking mistake ko. Sobrang dami kong kinuha. Ang hirap i-manage. Wala akong sapat na oras, walang sapat na pera, at wala pa kong experience mag-handle ng ganun karaming tao.
Hindi siya nag work. Hindi dahil di ako marunong mag-code. Kundi dahil di ko pa alam kung paano magpatakbo ng team at ng negosyo.

Ngayon, ginagamit ko na lang si Dianoia Tech as sarili kong venture studio para sa mga product na binubuo ko. May konting sideline pa rin pag may network na magpapagawa, pero di ko na siya finofocus. Kasi nga sa totoo lang, dahil sa AI, sobrang dali na lang gumawa ng sarili mong software. Yung service na binebenta ko dati, unti-unti nang nawawalan ng value.
Startup attempt #2: Upskwela.
Yung plano ko lang talaga nun, gagawa ako ng bossROD Academy website. Isang lugar lang kung saan ma-manage ko lahat ng paid contents at tutorials ko para sa community ko. Yun lang. Ganun lang kasimple.
Kaso may mga college friends ako na parang mga kapatid ko na. Nag-usap kami. Sabi namin, instead na isang app lang, what if gawin natin startup? Ako naman agad yung unang customer, so sigurado nang may gagamit. Sa isip ko nun, madali lang to. Mag-build lang ng app. Yun naman yung pinaka need kong gawin diba?
Dun ako nagkamali.
Hindi pala yung app yung mahirap. Yung mahirap, yung pag-buo ng team na mapagkakatiwalaan mo, tapos yung cost ng lahat ng to. Sagot ko yung server. Sagot ko yung konting allowance na kaya kong ibigay sa kanila. Bootstrapping kami. Walang investor, walang funding. Araw-araw kong iniisip kung paano ko sila matutulungan at paano nila ako matutulungan nang di kami napipilitang maglabas ng pera na wala naman kami.

Mga 6 to 8 months kaming nag-build sa kawalan na tingin lang namin is good to build without knowing what's our customers really wanted and also since may mga full time job kami every weekends lang namin siya nagagawa kaya tumagal. Tapos eto yung nangyari, unti-unti kaming nawala sa focus. Nag-boom kasi yung mobile apps era nun, at dun nagsimula yung pangatlo.
Startup attempt #3: Hyve.
Dito pumasok si hyve.dianoiatech.com, isang fitness tracker mobile app. Isa sa mga co-founder namin gym active, so sabi namin maganda to. Positive thinkers kami eh. Optimistic. Akala namin kaya namin lahat.
Kaso kada gawa namin ng feature, may bago na naman na kailangang i-develop. Para sa mga coaches. Para dito, para dun. Di natatapos.

After 1 year ng Upskwela, kasama na dun yung 2 to 3 weeks na inubos namin sa Hyve, umupo ako at tinanong ko yung sarili ko nang totoo. Magaling naman ako mag-build. Bakit ganun? Bakit wala pa rin akong napapa-success na kahit isang startup?
At eto yung sagot na matagal kong iniwasan mga bossing. Hindi pala dahil mahina ako. Kundi dahil di ko pa alam kung paano maging isang tunay na founder. Yung may business mindset. Yung marunong sa sales at marketing. Yung naiintindihan yung tao, hindi lang yung code.
So nag-aral ako. YouTube, articles, vlogs, podcasts. Mga sikat na businessman, mga sales and marketing people na kaya kong panoorin, pinanood ko lahat. Matuto lang. At isa lang yung napagtanto ko sa lahat ng yun.
Akala ko mahirap yung coding. Pero pag naging founder ka na, it is waaaaaaay harder pala.
Kasi pag programmer yung pinanggalingan mo, may mga bagay kang kailangan harapin na di mo napaghandaan.
Una, yung instinct mo. Akala mo maganda yung mga desisyon mo, pero in reality, di mo naiintindihan yung ginagawa mo. Nasanay kasi tayong mga programmer na pag nakagawa tayo ng isang bagay, masaya na. Fulfilling. Pero sa totoo lang, wala kang sinosolve na problema ng kahit sino.
Pangalawa, akala natin tumatakbo lahat sa magandang software. Mali yan. Kahit gaano kaganda yung software mo, kung sobrang complicated nyan sa non-tech user at di nasosolve yung problema nila, wala kang silbi sa kanila. Ganun lang kasimple.
Pangatlo, sobrang hirap bumuo ng team. Di mo mapipilit yung mga taong kinuha mo sa startup mo na magtrabaho nang solid para sayo, lalo na kung di mo pa kayang bigyan sila ng actual salary. Wala kang karapatang magalit sa kanila. Kailangan mo yun tanggapin.
Pang-apat, di mo kailangan makipag-compete sa teammate mo. Pag sanay ka na ikaw yung pinakamagaling sa room, mahirap to. Pero kailangan mo i-embrace na kailangan mo ng teammate. Kailangan mo i-delegate yung knowledge at skills mo sa kanila para makausad kayo.
Panglima, kailangan mo maintindihan yung customer mo. Kailangan mo alamin kung paano gumagana yung marketing, paano mag-pitch, at paano mag-close ng deal. Eto yung bagay na magpapatagal sayo sa business. Pag di mo to inaral, di ka uusbong. Di ka gagalaw. Kasi sa huli, marketing yung awareness mo, sales yung fuel mo para magpatuloy, at customer yung dahilan kung bakit mo binubuo yung binubuo mo.
Ang tagal ko bago natutunan tong mga to. 3 years. 3 years bago ko na-realize na may mali ako sa ginagawa ko. Pero magandang mistake pala yun, kasi dun ko nalaman kung ano yung mga next steps ko.
Shinare ko to sa inyo kasi kung balak nyo maging founder someday, gusto ko handa kayo sa mga bagay na to. Para at least may shortcut kayo. Para alam nyo kung ano yung dapat iwasan bago pa nyo maranasan yung 3 years na pinagdaanan ko.
Ngayon, isa na lang yung venture na finofocus ko: upskwela.com. At sobrang confident ako na ako, o kami, na kaya ni Upskwela na mag succeed no matter what happens. Gusto naming magdala ng malaking value dito sa Pilipinas. Gusto naming i-revolutionize yung community platform at learning platform dito sa Pinas, para magkaroon tayo ng maayos at magandang go-to platform para sa upskilling. At the same time, gusto naming suportahan yung mga educators at experts na deserving kumita sa kaya nilang ituro sa ating mga Filipino.
So sa inyong lahat na nagtatayo ng kahit ano ngayon, tuloy lang mga bossing. Just keep moving forward hanggang sa mag-succeed kayo. Walang makakapigil sa inyo. Yung tanging kalaban nyo lang, kayo mismo.
Susukuan mo ba yung lahat ng sacrifices at efforts na binuhos mo na, o tutuloy ka no matter what happens?





Comments